buhay
Kanya-kanyang buhay…kanya-kanyang diskarte kung paano malampasan ang mga problemang hinaharap. Masarap mabuhay sa mundong ito pero hindi naman ganoon kadali ang lumaban sa mga hamon ng buhay lalong-lalo na kapag inaakala mo’y nag-iisa ka lamang. Bakit may mga taong mahirap tanggapin ang kabiguan? Bakit naman may ibang taong hindi naapektohan sa mga problema? Bakit may mga taong madaling tumulo ang luha kapag nasasaktan? Bakit naman may iba na dinadaan na lamang sa tawa?
Lahat ng tao dito sa mundo, bata man o matanda, mayaman man o mahirap, ay nagkakaroon ng problema. Wala ni isa sa atin ang hindi dumaan sa matinding pagsubok. Kaya kung inaakala mo na ikaw ay isang kawawang nilalang dahil tinambakan ka ng mga problema, mag-isip kang muli. Lahat ng tao dito sa mundo ay hindi perpekto. Ang buhay ay hindi rin perpekto. Binigyan tayo ng Diyos ng talino at lakas ng loob para lumaban sa mga hamon ng buhay. Minsan nga lang ay hindi natin ito ginagamit dahil mas pinili nating magkulong na lamang sa lungkot. Mali ‘yun. Maling mali.
Photography : Christine E. Isip


0 comments: